I’ve been here for almost a week already pero di pa din ako nagluluto except sa isang fried egg na nagsswiming sa mantika. Pero feeling ko talaga nag gain ako ng 1 kg or so dahil doble yung kanin na kinakain ko ngayon… ang sarap kasi ng korean food at ang masaklap pa nito eh madaling araw na nga ngatngat pa din ako ng ngatngat. Since di pa ko marunong magluto, bumabawi nalang ako sa paghuhugas ng pinggan at kalan at pagseset ng table at pagsasampay. Parang pumunta ako dito para maging certified DH. Pag balik ko sa manila I’m pretty sure matutuwa ang nanay ko dahil di na ko masyadong tamad at marunong nako ng gawaing bahay (or iaasa ko ulit sa mga kasambahay~ haha).
In fairness madami na akong naaccomplish sa 5 araw ko dito sa down under (maglakad ng 2* kilometro, magbasketball, pumuntang mall na kalahati lang ng The Block, mag init ng pagkain, magluto ng itlog, magmonopoly araw araw, magcards, makihalubilo sa mga annyeong, maglinis, maglaba, magsampay). Next week magluluto nako pramis. T_T